Skip to main content

Buhay ng may Pangarap at Hangarin

Tayo ay may mga pangarap o mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging inspirasyon natin upang tayo ay magpursige para makamit ang mga pangarap o mga layunin na ito. Ngunit kailangan nga ba natin malalaman kung itong pangarap na ito ay para sa atin? Kung ito bang mga hangarin na ito ay makakaya natin? Ilan lamang ito sa mga tanong na laging umiikot sa ating isipan kapag nagtatalakay tayo tungkol sa mga bagay na iyon. Meron tayong kanya-kanyang mga pangarap at mga layunin o goals sa ating buhay. Gaano man ito ka simple pakinggan o pag aralan ay meron pa rin tayong mga pagsubok o mga problema na mahaharap. Tayo ay nilikha ng Diyos ng pantay-pantay ngunit lahat tayo ay kakaiba at may kanya-kanyang kakayahan. Isa na rin ang pagiging “unique” ng mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay na kung saan tayo lang ang nakakagawa o nakakaisip tungkol ditto. Ngunit, paano nga ba natin naiisipan ang mga bagay na ito? Kung ano ang mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay? Kung ano ang mga pagsubok at kung paano ito malalampasan at ano ang mga dapat gawin upang maging matagumpay tayo sa mga pangarap at mga hangarin na ito.

Uunahin natin kung paano nga ba natin naiispan ang pangarap at mga layunin natin sa buhay? Alam naman siguro natin na nagsisimula tayo mag-isip tungkol sa mga pangarap natin noong tayo ay nasa kinder hanggang elementary pa lang. Ang mga pangarap na iyon ay parang mga “childhood crush” lang natin, mga “pansamantalang pangarap” lamang. Kaya naman hindi tayo gaano ka seryoso tungkol sa mga bagay na ito noon. Hindi pa natin ito gaano iniisip o inaalala dahil yun nga, mga ‘bata’ pa tayo. Ngunit pagdating ng high school, ay doon na tayo nagiging seryoso sa mga bagay na dapat seryosohin. Unti-unti ring bumubuo ang pangarap na gustong-gusto talaga natin. At mas lalong lumalalim ang mga hangarin na pinaghahandaan natin upang makamit iyon. Ngunit sa ibang tao ay iba ang kanilang pananaw pagka dating nila sa buhay high school. Hindi pa gaano kalalim ang mga pangarap at layunin nila sa buhay. Ang iba ay doon na nakakaisip ng malalim na mga pangarap at layunin pag dating ng Grade 10 o yung iba naman ay pag dating ng senior high school. Sa mga panahon na iyon ay mas lalong nagiging mature ang pag-iisip ng mga estudyante at doon nagbubuo ang mga pangarap at mga hangarin nila sa buhay.

Ngayon at alam na natin kung paano nagsisimula na pag-isipan natin ang mga bagay na iyon, aalamin naman natin kung ano ang mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay. Hindi lahat sa atin tayo ang pumipili sa mga pangarap natin sa buhay. Ang iba ay mga magulang nila ang pumipili kung ano ang kinabukasan nila dahil sa kanila ito ang magaangat sa kanila sa buhay. Ang iba naman ay may kalayaan na pumili sa kung ano ang gusto nilang kinabukasan. Dahil alam nila na doon sila magiging masaya. Para sa akin, mas gugustuhin ko talaga na ako ang pipili sa kung ano ang magiging kinabukasan ko dahil ako ang may alam sa kung ano ang kayang kong gawin o kung ano ang mga kakayahan ko at kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa isang bagay at pagdating naman sa problema ay agad kong mahahanap ng solusyon iyon kapag may tamang kaalaman at kakayahan ako.

Ano nga ba ang mga pagsubok na maaaring makaharap natin tungo sa pagkamit ng ating mga pangarap at mga hangarin      sa buhay? Unang-una na maaaring makaharap na pagsubok natin ay kakulangan sa pera upang makapag-aral. Minsan talaga sa buhay ay may mga hindi inaasahang mga pangyayari o problema na bigla nalang darating sa buhay natin kaya naman dapat laging handa tayo kung sakaling darating ang mga pagsubok na iyon. Wag rin tayong mahiya na humingi ng tulong sa mga pamilya at malalapit na mga kaibigan natin. Huwag tayong agad sumuko kapag nahihirapan na tayo. Dahil hindi natin alam na isang hakbang nalang pala ay mahahanap na natin ang solusyon sa ating mga problema. Kung sakaling magkamali ka sa isang bagay ay huwag agad ito maging dahil na susuko ka dahil lahat ng pagkakamali ay isang aral na mapupulot natin upang mas lalong bubuti ang susunod na mga hakbang na gagawin natin. Gawing inspirasyon ang mga pangarap at mga hangarin na ating napili upang mas lalo tayong magpupursige, lalo na sa pag-aaral, upang makamit natin at maging matagumpay tayo sa ating kinabukasan at mabigyan rin tayo ng kasiyahan at mabigyan tayo at ating mga pamilya ng magandang buhay. Maraming magsasabi na “Sumuko ka na. Mas lalong mahihirapan ka lang niyan.” Wag mo silang pakinggan dahil ikaw lang ang nakakaalam sa kung ano ang kayang mong gawin at kung saan hahantong ang hirap na hinaharap mo upang makamit lang ang kaligayahan tungo sa mabuting kinabukasan.

Ako rin ay may pangarap at mga hangarin.” Pangarap kong maging isang piloto balang araw. Gusto ko ring libutin ang buong mundo at maging matagumpay sa aking trabaho. Mahirap man makamit ang aking pangarap at mga hangarin, ay hindi ito naging hadlang upang sumuko ako na makamit ito dahil alam ko na ito talaga ang gusto kong gawin at ito rin ang magpapasaya saakin. Supportado naman ako ng aking magulang dahil alam nilang masaya ako sa kung ano ang gusto ko sa buhay at alam rin nila na ito ang makakabuti sa akin. Tulad ng sinabi ko, hindi talaga natin nahahanap ang ating pangarap sa buhay nung tayo ay bata pa. Nung bata pa ako ay pangarap ko maging isang nars dahil gusto ko maging katulad ng mama at papa ko na mga nars rin. Ngunit pagdating ko ng high school ay bigla nagbago ang isip ko at doon ko nahanap kung ano talaga ang pangarap ko sa buhay. Ang maging isang piloto. Dati pa ako napahanga sa kung ano talaga ang ginagawa ng isang piloto. Kaya naman lagi akong nag-aaral kung ano ang ginagawa ng trabaho na iyon. At ngayon na malapit na akong mag kolehiyo, mas lalong lumalawak ang kaalaman ko tungkol sa pangarap ko at mas lalong akong nagpursige mag-aral upang magkaroon ng magandang marka at dumarami pa ang kaalaman at upang matuklasan ko rin ang mga kakayahan ko na hindi ko natuklasan.

Marami rin akong mga pagsubok na nalutas. At ngayon, handing-handa na ako sa kung anong mga pagsubok na maaring dumating na hindi ko inaasahan. Sa mga pagsubok na naharap ko na, ay hindi naging madali saakin na hanapan ng solusyon ang mga iyon. Talagang ipinaglaban ko ang sa tingin kong makakabuti sa akin at lalong-lalo na sa pamilya, kaibigan, at sa aking kapwa. Nagpursige ako na malutas ang mga problema na iyon. Hindi ako agad sumuko dahil alam kong pagsubok lang iyon upang mapatunayan kung gaano talaga ako kapursige na makamit ang pangarap na iyon at kung paano ako magtatagumpay sa mga hangarin ko sa buhay.


Mahirap talaga makamit ang isang pangarap kapag hindi ka seryoso at hindi ka nagpupursige dito. May mga problema o pagsubok man na dumating ay wag kang mabahala sa mga ito dahil ito ay dadaan lang sa buhay natin at pansamantala lamang. Huwag mo rin kalimutan na tamasahin ang buhay estudyante dahil isang beses lang ito nangyayari sa buhay natin at dapat sulitin natin ang bawat oras na dumarating. Huwag naman puro “career” ang inaatupag mo araw-araw. Maglibang ka rin kasama ang mga kaibigan o mga kaklase mo. Manuod kayo ng cine o ‘di kaya maglaro kayo ng basketball tuwing free time nyo. Huwag ka rin mahiyang humingi ng tulong sa iyong magulang at mga kaibigan dahil hindi naman masama ang tumulong sa kapwa. Huwag ka rin maging madamot na tulungan rin sila dahil kayo lang naman ang laging nagtutulungan sa isa’t isa. Huwag rin kalimutan na magdasal at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyaya na binibigay at sa mga gabay na kanyang ibinabahagi sa atin. Sa lahat ng mga pagsubok at problema na darating sa buhay nyo, nandiyan lang ang Diyos na handang makinig sa mga problema natin. Hindi man natin siya nakikita, idinadaan naman niya sa mga kilos ng paligid natin upang ipakita kung gaano niya tayo kamahal at handa siyang tulungan tayo sa ating mga problema kung makikita lang natin ang bakas ng kanyang nilikha. Huwag natin ipagsabay ang mga bagay na hindi naman natin kayang pagsabayin. Isa lang ‘yan sa magiging dahilan kaya napapagod at parang gustong-gusto na natin sumuko. Tandaan natin na dapat alam natin kung ano ang mas importante na uunahin at kung ano ang ihuhuli natin. Huwag tayong mahiya na mangarap dahil biniyayaan tayo ng Diyos ng kalayaan na mangarap. Sino ba namang tao ang nangarap na may bayad? Diba wala naman? Kaya wag kang mahiyang mangarap. Kahit ilan pa ‘yan. Basta kaya ng katawan mo na makamit lahat yun, magpursige ka lang at darating rin ang panahon na masasabing mong sulit lahat ng pagod at hirap na dinaranas mo upang makamit ang tagumpay na inaasam mo para sa kaligayahan at kagandahan ng iyong kinabukasan.

Comments

  1. Poker Tournaments - Las Vegas - KTMH
    Play 김포 출장안마 poker online with our live dealer poker room! Play against thousands of players in 경산 출장샵 our friendly online 광양 출장샵 poker room. 여수 출장샵 Start winning 전주 출장안마 with free poker chips!

    ReplyDelete

Post a Comment