Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2018

Buhay ng may Pangarap at Hangarin

Tayo ay may mga pangarap o mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging inspirasyon natin upang tayo ay magpursige para makamit ang mga pangarap o mga layunin na ito. Ngunit kailangan nga ba natin malalaman kung itong pangarap na ito ay para sa atin? Kung ito bang mga hangarin na ito ay makakaya natin? Ilan lamang ito sa mga tanong na laging umiikot sa ating isipan kapag nagtatalakay tayo tungkol sa mga bagay na iyon. Meron tayong kanya-kanyang mga pangarap at mga layunin o goals sa ating buhay. Gaano man ito ka simple pakinggan o pag aralan ay meron pa rin tayong mga pagsubok o mga problema na mahaharap. Tayo ay nilikha ng Diyos ng pantay-pantay ngunit lahat tayo ay kakaiba at may kanya-kanyang kakayahan. Isa na rin ang pagiging “unique” ng mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay na kung saan tayo lang ang nakakagawa o nakakaisip tungkol ditto. Ngunit, paano nga ba natin naiisipan ang mga bagay na ito? Kung ano ang mga pangarap at mga hangarin natin sa buhay? Kung ano ang mga pagsubok